^

Police Metro

Pagtaas ng bilang ng mga namatay sa Dengvaxia vaccine, ikinabahala

Mer Layson - Pang-masa
Pagtaas ng bilang ng mga namatay sa Dengvaxia vaccine, ikinabahala

Sa ginawang pagsusuri ng kanilang forensic expert na si Dr. Erwin Erfe, 7 sa mga namatay ay positibo na nabakunahan ng Dengvaxia ay kinakitaan nila ng pagdurugo ng utak, baga at iba pang vital parts na sintomas ng pagkakaroon ng dengue virus at yellow fever na galing sa dengue. AFP/File

MANILA, Philippines — Nakababahala na umano ang pagtaas ng bilang ng mga batang nagkakasakit at kaagad na namamatay matapos maturukan ang mga ito ng Dengvaxia.

Ito ang sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta kaya’t umaapela ito sa mga ahensiya  ng pamahalaan na sangkot sa pagbabakuna ng Dengvaxia na kumilos upang mai­salba ang buhay ng libu-libong mag-aaral sa public school na naturukan ng anti-dengue vaccine.

Sa ginawang pagsusuri ng kanilang forensic expert na si Dr. Erwin Erfe, 7 sa mga namatay ay positibo na nabakunahan ng Dengvaxia ay kinakitaan nila ng pagdurugo ng utak, baga at iba pang vital parts na sintomas ng pagkakaroon ng dengue virus at yellow fever na galing sa dengue.

Nanawagan si Acosta sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na ibigay ang data ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia upang mai­dokumento at masubaybayan.

Nabatid na umaabot sa 833,000 public school student na may edad 9 pataas ang nabakunahan ng Dengvaxia.

Nanawagan din si Acosta sa mga magulang na huwag nang hintayin pa na makitaan  ng sintomas ng  sakit ang mga bata upang hindi ma­meligro ang kanilang mga buhay.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with