Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mister patay sa kinaing betel nut

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 23-anyos na lalaki nang mabulunan sa pagkain nito ng betel nut sa Brgy. Capagaypayan, Luna, Apayao kamakalawa ng hapon.

Ang  biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Far North Luzon General Hospital & Training Center sa Quirino, Luna, Apayao ay kinilalang si Jomarie David Chica, residente ng nasabing lugar.

Inihayag ni Michelle Pedronan, live in partner ng biktima na bago nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga na habang nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kaniyang mga kabarkada ay kumakain sila ng betel nut nang bigla na lamang nabulunan ito at hindi makahinga hanggang sa mawalan ng malay tao.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Sa resulta ng pagsusuri ng doktor na ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ay dahil sa pagbara sa lalamunan ng betel nut kaya’t hindi ito makahinga.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: