Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi taga-PCSO ang sisibakin-Palasyo

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Malacañang na hindi taga- Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang sisibakin matapos magpalitan ng akusasyon tungkol sa korapsyon ang dalawang opisyal dito na nakatawag atensyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., matapos na siya ay sabihan ni Pangulong Duterte na huwag pangalanan ang isang government official na nakatakdang sibakin ng Chief Executive.

Ayon pa kay Roque na tiwala ang Pangulo kina PCSO general manager Alexander Balutan at Sandra Cam, na kamakailan ay itinalaga bilang member of board ng nasabing ahensiya.

Magugunita na inakusahan ni Cam ang mga opisyales ng PCSO na nagsagawa ng marangyang Christmas party sa isang five-star hotel sa Mandaluyong City na ang ginastos ay nasa P6 milyon.

Iniatras din kahapon ng Malacañang ang pag-anunsyo kung sino ang opisyal ng gobyerno na sisibakin ni Pangulong Duterte.

Magugunita na marami nang sinibak si Pa­ngulong Duterte tulad nina Interior Secretary Ismael Sueno, Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago, Presidential Commission for the Urban Poor Terry Ridon at DAP president Elba Cruz.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: