^

Police Metro

Driver todas sa elevator

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang isang 52-anyos na company driver nang maipit ng naglolokong cargo elevator ng kanilang opisina sa Quiapo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Manolito Naguit, may-asawa, driver ng Solar Up Rise Marketing na matatagpuan sa San Diego Building sa Carlos Palanca Sr. St., Quiapo.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali noong Huwebes ay sakay ang biktima ng cargo elevator kasama ang ilang ka-opisina at pababa na sila mula sa ika-3 palapag nang magloko ang cargo elevator na sinasakyan.

Ninerbiyos ang biktima dahil nakabukas ang elevator at sa takot ay tumalon ito at naipit nang biglang gumana ang elevator dahilan para siya ay malasog. Habang hindi naman nasaktan ang mga kasama na nanatili sa elevator.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with