^

Police Metro

DU30 kay Bato: Droga at terorismo tutukan sa Mindanao

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kaya umano pinalawig pa ng tat­long buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ay upang tutukan ang problema sa droga at tero­rismo sa Mindanao.

Ito ang sinabi kahapon ni Dela Rosa nang matanong ng mediamen kung ano ang dahilan kung bakit pinalawig pa ang kaniyang panunungkulan bilang PNP Chief ilang linggo bago siya magretiro.

Nakatakda na sa­nang magretiro sa da­rating na Enero 21,2018 pagsapit nito sa mandatory age retirement sa gulang na 56, pero pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang termino nito ng tatlong buwan na inianunsyo mismo ng punong ehe­kutibo kamakalawa.

Ayon kay Dela Rosa nasorpresa siya at kamuntik pang mabilaukan sa “boodle fight” sa Phi­lippine Army kamakalawa ng gabi matapos na palawigin ang kaniyang termino.

Una na ring inianun­syo ni Pangulong Du­terte na itatalaga bilang Chief  ng Bureau of Corrections (BUCOR) kapag pormal na itong nagretiro sa serbisyo.

Inihayag pa nito na matapos ang kaniyang ekstensyon ay handa naman siyang maging pinuno ng BUCOR kung saan ay maaga nitong binalaan ang mga drug lords sa New Bilibid Pri­sons (NBP)  na iginiit na hindi siya mangingiming maki­pagbarilan sa mga ito kapag nagpatuloy sa illegal drug trade.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with