^

Police Metro

Hearing sa impeachment case ni Sereno, tatapusin ngayon

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posible nang tapusin ngayong araw ang hearing sa impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice, na maaaring ito na umano ang huling pagdinig ng impeachment case ni Sereno at muli na lang ipagpapatuloy sa Enero ng susunod na taon, upang aniya ay matutukan na ang pagraratipika sa nakabinbing P3.767 trillion na General Appropriation Bill (GAB), Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) gayundin ang posibleng extension sa Martial Law sa Mindanao.

Paliwanag ng mambabatas, ito ay dahil kaila­ngan nang ratipikahan ng Kongreso ang national budget para sa susunod na taon at ang TRAIN na ang bersyon ay pinaplantsa na lang sa bicameral conference committees at ang posibilidad na magkaroon ng joint session dahil sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

Giit pa ng kongresista na marami ngayong legislative commitment na importante rin katulad ng impeachment proceedings sa ngayon kaya maaari nilang ikansela ang hearings sa Martes o Miyerkules.

Subalit sa ngayon umano ay wala pang pinal at opisyal na usapan at nga­yong araw pa lamang ito pag-uusapan nila House Majority leader at Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas.

Nakatakda namang mag-Christmas break ang Kongreso sa Disyembre 13 at muling magre-resume ang sesyon sa Enero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with