^

Police Metro

15-anyos dalagita ni-reyp, pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

CEBU, Philippines — Natagpuan sa isang masukal at madamong lugar ang isang 15-anyos na dalagita na pinaniniwalaang hininalay muna ito bago paslangin sa Binangonan, Rizal, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) IV A,  ang biktima na itinago na lamang sa pangalang ‘Lilibeth’ ay nadiskubre sa madamong lugar sa Bilog Street, Sitio Pandayan, Brgy. Batingan, Binangonan ng lalawigan, dakong alas-2:15 ng tanghali

Ang biktima ay walang saplot sa katawan at duguan ang ari na hinihinalang hinalay muna bago ito pinaslang  batay sa nakitang malaking tipak ng bato na nakapatong sa duguang mukha nito na tinabunan pa ng mga damo.

Nadiskubre naman ang insidente matapos na mapadaan sa lugar ang ilang mga residente na naninirahan sa naturang barangay.

Pinaniniwalaan namang bangag sa droga ang nasa likod ng krimen habang patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with