^

Police Metro

Naubusan ng ulam pumatay ng kapitbahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang naubusan ng ulam ang nagwala  at pinagsasaksak ang dalawang kapitbahay na ikinasawi ng isa dito naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Longos, Malabon City.

Ang biktima na nasawi ay kinilalang si Jay Ranile, 44, may-asawa, mekaniko habang nasu­gatan si Gerald Loste, 25, kapwa naninirahan sa Pinagsabugan, General P. Borromeo St., ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek na si Alberto Ople, 25, binata, obrero at kapitbahay ng mga biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi ay lasing na umuwi  sa kanilang bahay si Ople at nagbungkal ng makakain sa kusina. 

Subalit, laking galit nito nang makitang walang itinirang ulam para sa kanya dahilan para kumprontahin niya ang kanyang ina at magwala.

Kinalampag ng suspek ang dingding ng kanilang bahay na katabi lang ng bahay ni Ranile na nagising sa pagtulog kaya kinompronta si Ople. 

Sa kanilang pagta­talo, dito nagbunot ng patalim ang supek at paulit-ulit na tinarakan si Ranile. Tinangka namang umawat ni Loste ngunit maging siya ay nasaksak din sa kaliwang kamay.

Pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ni Ranile.

Nahaharap ang suspek sa kasong homicide at physical injuries.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with