^

Police Metro

Tugade kay Lopez… Walang nakaaangat sa batas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Walang nakaaangat sa batas”

Ito ang inihayag kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade hinggil sa ginawa ng actress na si Maria Isabel Lopez na buksan nito at daanan ng kanyang sasakyan ang designated lane sa Edsa para sa mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

“Kapag napatunayan na siya ay may nilabag, kung ano ‘yung napapaloob sa batas ay gagawin natin. No one is above the law, babae ka, lalaki ka, mataba ka, mapayat ka, may position ka sa gobyerno, pare-pareho po ‘yun,” ani Tugade. Si Lopez ay pinadalhan na ng summon ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa kanyang ginawang paglabag sa batas na kinabibilangan ng Disregarding traffic signs, Violation ng Anti-Distracted Driving Act at Reckless driving.

Magugunitang ipinagmalaki pa ni Lopez sa kanyang post sa social media ang pag-alis niya sa road cones para makadaan sa ASEAN lane at sinabing sinundan pa siya ng ibang motorista.

Dahil sa ginawang iyon ni Lopez, hiniling ng MMDA at DOTr sa LTO na kanselahin ang kaniyang lisensya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with