^

Police Metro

MMDA nag-sorry sa teribleng trapik sa Edsa

Danilo Garcia - Pang-masa
MMDA nag-sorry sa teribleng trapik sa Edsa

Ang pagdaan ng convoy ni Indonesian President Joko Widodo sa Kamuning flyover sa Edsa kahapon habang makikita sa larawan, sa kaliwang bahagi ng Edsa, kung saan pina- himpil ang mga motorista na nagdulot naman ng matinding trapik sa naturang lugar. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding trapik na idinulot ng pagsasara ng dalawang lanes na dinaraanan ng convoy ng mga dele­gado para sa ASEAN Summit, humingi ng paumanhin ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kaugnay nito, muling nakiusap si MMDA supervising manager Edison Nebrija na makipagtulungan sa kanila at kung maaari ay iwasan na lamang ang EDSA at dumaan sa mga secondary roads upang maging maayos ang pagiging host ng bansa sa naturang okasyon dahil sa nakatutok ang mata ng buong South East Asia sa Pilipinas.

“Kung palagay n’yo na nagkaroon kami ng pagkukulang, pasensya na po ‘di namin sinadya na magkatrapik.  Nakikiusap tayo sa lahat, hindi lang basta naglagay ng ASEAN lane, pagalitan nyo na kami na nagkulang kami sa pagma-manage pero ginawa naman naming lahat,” ayon sa opisyal.

Ipinaliwanag ni Nebrida na may ilang buwang pinag-aralan ang paglalagay ng ASEAN lanes sa EDSA at hindi rin naman umano nagkulang ang MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan sa information dissemination sa publiko ukol sa pagla-lock down sa EDSA kapag may dumaraang convoy habang nagsagawa rin ng dry run para alam ng publiko ang mangyayari.

Kasabay nito, muling humingi ng tulong ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan sa pamamahala ng daloy ng trapiko sa kanilang mga nasasakupan para mag-assist sa mga motorista na humahanap ng alternatibong ruta.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with