Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

65-anyos lolo dedo sa hataw ng kawayan

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 65-anyos na lolo matapos paghahatawin ng kawayan ng kanyang naka-alitan sa Brgy. Pasiagon sa bayan ng Placer, Masbate noong Huwebes ng umaga.

Sanhi ng matinding tama sa ulo, agad na nasawi ang biktimang si Pablito Nunez habang tumakas at pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Reynante Cueva, 35-anyos, kapwa residente ng naturang barangay.

Sa ulat ng pulisya, na nakarating sa Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-10 ng umaga, nakita ng mga saksi na nag-uusap ang dalawa nang biglang magkaroon ng mainit na pagtatalo.

Gayunman, nakitang hinawakan ng suspek ang kamay ng biktima at saka pinaghahampas sa ulo gamit ang kaputol na kawayan.

Nang duguang bumulagta ang matanda, mabilis namang tumakas si Cueva patungo sa direksyon ng Brgy. Burabod.  

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: