Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Parak, sanggol patay sa ambush

6 pa sugatan…

MANILA, Philippines — Napatay noon din ang isang 4 buwang babaeng sanggol at isang pulis, habang anim pa kabilang ang dalawang sibilyan ang sugatan matapos na abatan at tambangan ang convoy ng mga ito ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Talakag, Bukidnon, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Supt. Lemuel Gonda, Spokesman ng Northern Mindanao Regional Police ang mga nasawing biktima na sina SPO3 Arnel Carillo at ang sanggol na babae na si Malysha Machorao, na sa noo napuruhan ng tama ng bala.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Inspector Joven Acuesta, hepe ng Bombaran, Lanao del Sur Police; SPO1 Pacifico Cabudoy; PO1 Nathaniel Ibal; Ali Citi, 53, tinamaan ng bala sa kaliwang dibdib; Ali Aminsalam, 37-anyos at Alexander Maniscan.

Sa ulat ni Gonda naganap ang pananambang sa patrol vehicle na sinasakyan ng nasabing hepe at ng kanyang mga tauhan at sa Toyota Fortuner (UNI 707), dakong alas-5:30 ng hapon, sa kahabaan ng KM 28, Brgy. Tikalaan, Talakag, Bukidnon dakong alas-5:30 ng hapon.

Ayon naman kay Sr. Inspector Jemar delos Santos, PIO ng ARMM Regional Police, ang tinambangang mga pulis ay nakatalaga sa Lanao del Sur Provincial Police Office (PPO) na nagtungo lamang sa Bukidnon matapos na dumalo sa isang kumperensya.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga nagsitakas na rebelde na responsable sa pananambang.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: