^

Police Metro

Koreano dedo sa snorkeling

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang Korean national matapos itong malunod habang nagi-snorkeling sa dinayong beach resort sa Coron, Palawan, kamakawala.

Iniulat ni Supt. Imelda Tolentino, ng Police Regional Office (PRO)IVB, nasawi sa pagkalunod ang turistang South Korean national na si Park Hyung Tae, 58-anyos habang nagi-snorkeling sa karagatan ng CYC Island, Brgy. Lajada, Coron, Palawan dakong alas-9 ng umaga.

Si Tae, kasama ang mga pamilya at mga kaibigan nitong Koreano ay nagtungo sa Coral Garden snorke­ling site nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Tolentino, isa sa mga kasamahang Koreano ng biktima ang sumigaw ng saklolo matapos na makitang nakalutang ang katawan ng biktima sa dagat.

Sinubok pang lapatan ng first aid na CPR (Cardio Pulmonary Resuscitation) ang bikima bago dalhin sa pagamutan ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with