^

Police Metro

7 menor tiklo sa ‘damo’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong menor de edad ang nahuli ng mga awtoridad habang aktong gumagamit ng marijuana sa Brgy Commonwealth, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag at reklamo ang mga opisyal ng naturang barangay hinggil sa paggamit ng marijuana ng pitong kabataan sa Obanic St.

Agad namang itinawag ng mga barangay official sa Batasan Police Station ng Quezon City Police District at mabilis na nagresponde na nagresulta ng pagkakadakip ng pito na ang mga edad ay 14 hanggang 17 at pawang mga estudyante.

Dinala sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga binatilyo at nakatakda ngayon i-turn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa shelter program na tumutulong sa mga menor- de-edad na nalulong sa droga.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with