^

Police Metro

Pulis nanggulpi ng 12-anyos

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagharap ng kasong child abuse ang isang pulis matapos na gulpihin, paluin ng tabo at sakalin ang isang 12-anyos na batang lalaki kamakalawa sa Pasay City.

Ang biktima na nagsampa ng reklamo kasama ang mga magulang ay itinago sa pangalang Paulo, grade 5 pupil sa Maricaban Elementary School.

Ang pulis ay kinilalang si PO3 Ferdinand Dator, nakatalaga sa District Public Safety Battalion ng Southern Police District (SPD).  

Sa salaysay ng magulang ng biktima na bago nangyari ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa Saint Catherine St., ay kagagaling lang ng  kanilang anak sa computer shop nang pagdiskitahan ito ni  PO3 Dator na noon ay lasing.

Nakita ng ama ng biktima nang buhusan ng pulis ng tubig ang dumaang  anak kaya’t nagalit ito at  akmang gaganti ang kanyang anak sa pulis.

Mabilis na sinakal ng pulis ang biktima at kinuha ang tabo na may lamang tubig at inilublob ang mukha ng bata.

Nagpupumiglas ang bata at kinagat nito ang tagiliran ng pulis  para makatakas ngunit lalo pang nagalit ang huli at  makailang beses na binuhusan ng tubig at hinampas ng tabo sa ulo ang una.

Sa lakas ng pagkapalo ay nasugatan ang mukha ng bata at namaga ang ilalim ng kaliwang mata.

Kaagad na  nagtungo sa Police Community Precinct (PCP) 8 ang mga magulang  ng biktima, subalit hindi ito naabutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with