^

Police Metro

Sereno sinisi ang justices ng SC

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinapasa lamang umano ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang sisi sa mga justices ng Supreme Court en banc nang sinabi nitong inaprubahan lamang ang survivorship benefits ng naiwang pamilya ng namayapang Court of Appeals Justice Jose Colayco ilang araw na ang nakalilipas.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Lary Gadon, dahil sa marami na ang nagagalit sa kanya at kasinunga­lingan ang paliwanag ni Sereno sa issue ng delayed release ng survivorship benefits.

Pero ang katotohanan aniya ay mabilis na inaksyunan at inaprubahan ng SC en banc ang dokumento para dito sa loob lamang ng isang buwan.

Sinabi ni Gadon na matagal nang pending sa Office of the Chief Justice ang application para sa survivorship benefits pero hindi raw ito ipinagbigay alam ni Sereno.

Hindi rin daw sinabi ng punong mahistrado na inupuan at tinalakay na pala ito ng technical working group na kanyang binuo.

Sa halip na mapabilis ang approval ng application, lalo lamang daw napalawig ang buong proseso, bagay na malinaw daw na nagpapakita ng neglegience at incompetence.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with