^

Police Metro

Holdaper nanlaban, todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang hindi pa kilalang holdaper nang makipagbarilan sa mga humahabol na pulis matapos makorner sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan ang lalaking holdaper na armado ng baril at nakasuot lamang ng sando na kulay itim at maong na pantalon.

Sa salaysay ng biktima na si Tricia Dizon, empleyado ng Manila Grand Opera Hotel Casino na bago naganap ang shootout sa pagitan ng mga pulis at suspek dakong alas-2:45 ng madaling araw ay nag-aabang siya ng masasakyan nang lapitan ng suspek at tutukan ng baril sabay deklara ng holdap at kinuha ang kanyang cellphone at pera.

Nang makita ang nagpapatrulyang mga pulis ay nagsumbong ang biktima at agad siyang isinama upang habulin at ituro ang suspek.

Namataan agad ang suspek na naglalakad sa kahabaan ng Mabini St. malapit sa panulukan ng Quirino Avenue at nang pasukuin, sa halip ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek at nakuha sa kanya ang tinangay na cellphone at P200 ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with