^

Police Metro

Vice mayor itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspect   ang isang bise alkalde sa naganap na karahasan sa Brgy. Dangay, Roxas, Oriental Mindoro, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Supt. Imelda Tolentino, Spokesperson ng MIMAROPA Police (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang nasawing biktima na si Roxas Vice Mayor Jackson Cinco Dy, 58, residente ng Brgy. Bagumbayan sa kanilang bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Tolentino, nangyari ang insidente alas- 4:30 ng hapon sa Brgy. Dangay, Roxas ng naturang lalawigan.

Kasalukuyan umanong nanonood ng telebisyon sa Christian Car Wash ang biktima habang hinihintay ang pinalilinisang SUV (Toyota Fortuner) nang biglang sumulpot ang gunman.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas ay bigla na lamang pinagbabaril sa ulo ng salarin  si Dy na duguang bumagsak  na ilang segundo lang ay binawian ng buhay.

Nagsilbi namang lookout sa krimen ang kasamahan ng suspek na driver ng motorsiklo na ginamit din sa pagtakas.

 Sa kasalukuyan, dalawang anggulo ang sinisilip ng mga awtoridad na motibo ng krimen, una ay hidwaan sa pulitika at ikalawa ay personal na alitan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with