^

Police Metro

Welga ng pampasaherong jeep sa Lunes at Martes, kasado na

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado nang iparalisa ng mga tsuper ng pampasaherong jeep ang kanilang biyahe sa araw ng Lunes at Martes , September 25 at 26 sa Metro Manila at karatig lalawigan sa pangunguna ng Stop and Go Coalition.

Ayon sa naturang grupo, ang kanilang dalawang araw na transport holiday ay bilang aksyon para ipakita sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa patuloy na pagpapatupad sa  jeepney phase- out sa bansa.

Ayon kay Jun Magno, Presidente ng Stop and Go Coalition, 90 percent ng kanilang mga miyembro nationwide ay sabay-sabay na magtitigil pasada sa nabanggit na mga araw para tuligsain  ang Transport Modernization program ng pamahalaan.

Anya, hindi phase out ng mga jeep kundi rehabilitasyon lamang ang kailangan para maisaayos ng maliliit na driver at operator ng jeep ang kani-kanilang mga unit.

Oras na magpatuloy ang pamahalaan sa jeepney phase out, milyong Pilipino anya ang magugutom dahil mawawalan sila ng pagkukunan ng ikabubuhay para sa kani-kanilang pamilya.

Wala naman anya silang pambili ng mga bagong jeep na maipapasada dahil sa hirap ng buhay. Ayaw naman umano silang pautangin ng pamahalaan para makabili ng bagong pamasadang sasakyan.

Sa ilalim ng transport modernization program ng pamahalaan, aalisin na ang mga lumang jeep sa mga kalsada at papalitan ng mga bagong jeep na de- kuryente at iba pang umanoy environment friendly passenger vehicles.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with