^

Police Metro

Pusher timbog sa P1-M ecstacy

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa umanong “high value target” na drug pusher ang naaresto ng pinagsanib na Mandaluyong police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Ang suspek ay kinila­lang si Jovet Atelano, alyas OJ, nasa hustong gulang na nakatira sa Unit 506, GA Tower Condominiums, Barangay Malamib, Mandaluyong City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang arestuhin si Atelano sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa pagtutulak ng bawal na gamot nito at ilang ma­yayaman at kilalang tao sa lungsod ang umano’y parokyano nito.

Nabawi ng mga awtoridad mula sa condominium ng suspek ang iba’t ibang uri ng bawal na gamot na kinabibilangan ng ecstacy, valium at mogadon na nagkakahalaga ng P1-milyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with