^

Police Metro

Lacson may hawak na listahan ng protector sa BOC

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - May hawak umanong listahan si Senator Panfilo Lacson ng mga protector sa Bureau of Customs na tumatanggap ng “tara” o lagay.

Kaya sa Miyerkules ay nakatakda niya umanong ibunyag sa “privilege speech” na kung saan ay kasama ang mismong opisina ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na tumatanggap umano ng payola mula sa mga importers at brokers na nagpapasok ng mga merchandize kabilang na ang mga kargamentong naglalaman ng illegal drugs kabilang ang nabistong P6.4 bilyong shabu shipment na napalusot sa BoC mula China.

Sinabi ni Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs na nakuha niya ang mga impormasyon mula sa mga opisyal, kawani, importers, brokers,  at mismong mga “bagmen” sa tara at sa kalakaran sa BoC na ngayon ay dumadaan sa masusing pagsasala at pag-iimbestiga bago nito ibunyag ang kanilang mga pangalan sa kanyang privilege speech.

Nagtataka si Lacson kung bakit hindi nakikipagtulungan si Faeldon para isiwalat ang mga tauhan nitong tumanggap ng payola.

Bukod dito ayon kay Lacson na hindi lamang ang illegal drugs ang ini-smuggle umano sa BoC kundi ang “general merchandize” kung saan magbigay lamang ng tara sa mga tiwaling opis­yal ay napapalusot na sa green, red at yellow lane.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with