^

Police Metro

Hepe ng Caloocan, sinibak

Mer Layson - Pang-masa
Hepe ng Caloocan, sinibak

Kaugnay nang naganap na pagpatay ng mga pulis-Caloocan sa Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos ay sinibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang hepe ng Caloocan City police na si P/Senior Supt. Chito Bersaluna. Ludy Bermudo/File

Sa pagpatay ng mga tauhan kay Kian...

MANILA, Philippines - Kaugnay nang naganap na pagpatay ng mga pulis-Caloocan sa Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos ay sinibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang hepe ng Caloocan City police na si P/Senior Supt. Chito Bersaluna.

Ayon kay Albayalde na ang layunin ay mabigyang-daan ang isang patas na imbestigasyon sa kaso at hindi nangangahulugan na direktang sangkot si Bersaluna sa insidente.

Pansamantalang inilipat si Bersaluna sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit, kasama ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian, na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz, na una na ring sinibak sa pwesto, kasama ang kanilang Precinct Commander na si P/Chief Inspector Amor Cerillo.

Ipinalit na maging officer-in-charge si Caloocan Deputy Police Chief for Administration P/Chief Insp. Ilustre Mendoza habang wala pang itinatalagang magiging kapalit sa pwesto ni Bersaluna.

Tiniyak ni Albayalde na tutulungan nila ang pamil­ya ni Kian kung plano ng mga ito na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa estudyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with