^

Police Metro

Camanava drug raid: 22 todas

Ludy Bermudo - Pang-masa
Camanava drug raid: 22 todas

 Nasa 22 drug suspects ang napatay ng mga otoridad sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area sa buong magdamag na anti-illegal drugs. File

MANILA, Philippines -  Nasa 22 drug suspects ang napatay ng mga otoridad sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area sa buong magdamag na anti-illegal drugs.

Sa Caloocan City ay napatay ang 12 katao kabilang ang isang pulis na si SPO1 Ramon Ang, dating nakatalaga sa QCPD at misis nitong si Edna nang masabugan ng granada sa loob mismo ng kanilang bahay sa Phase 4C, Pac­kage 3, Block 40, Barangay 176, Bagong Silang na ihahagis sana sa mga pulis na lumusob sa kanila; Erick Dela Cruz, 39; alyas Amay; apat na hindi pa tukoy ang pagkilanlan; isang alyas “Mac-Mac”; Ramil Sabalde; RJ Espinosa; James Sese alyas “Ron-Ron”.

Lima naman ang napatay sa Malabon at Navotas na kinilalang sina Alvin Villamedez, 47; Rolando Liwag, 51; Conrado Gapasin, 57; at isang alyas “Boy Pogi” ng Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North; Arnel Mendoza, 35.

Napatay din ng mga Valenzuela City Police ang 5 sangkot sa droga na kinilalang sina Antonio Bautista; Reylindo Diome; isang alyas “Joel”; Rowell Floresca; at Fernando Centeno, Jr.

Ang nasabing bilang na napatay na drug suspects ay nanlaban umano sa mga pulis at nakum­piskahan ng mga baril at mga plastic sachet na pinaniniwalaang shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with