^

Police Metro

4 sinalvage sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat kalalakihan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salvage ang natagpuan sa bayan ng Silang at Imus, Cavite.

Ang dalawang biktima ay nakatali ang mga kamay at pinaikutan ng packaging tape ang mukha na natagpuan kahapon ng alas-7:00 ng umaga sa taniman ng saging sa Sitio Ibayong Ilog, Brgy. Kaong Silang, Cavite.

Isa sa biktima ay nakasuot ng asul na shirt, nakamaong nakatsinelas habang ang ikalawa ay nakapulang t-shirt, nakaitim na short pants at tsinelas.

Dakong alas-12:30 ng madaling araw naman nang matagpuan ang dalawang biktima ng salvage sa Nia Road, Brgy. Malagasang, Imus, Cavite.

Inilarawan ang dalawa na nasa pagitan ng edad na  35-40, may taas na  5’6”, nakasuot ng black t-shirt na may marking na kamay at itim na pantalon.

May tattoo ito na demon at angel sa kaliwang kamay, at 1 pang demon sa kanang kamay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with