^

Police Metro

Rapist killer ng 8-anyos nag-suicide sa Crame

Joy Cantos - Pang-masa

Inagaw umano ang baril ng bantay...

MANILA, Philippines - Nagbaril umano sa sarili ang naares­tong lalaki na pumatay at nanghalay sa isang 8-anyos na batang babae sa isang sementeryo sa lalawigan ng Nueva Ecija nang agawin umano nito ang baril ng kanyang bantay na pulis habang ­inieskortan sa kaniyang selda sa PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Headquarters sa Camp Crame kamakalawa ng gabi.

Inihayag sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon ay sinabi ni PNP-AKG Director P/Sr. Supt. Glenn Dumlao, dakong alas-8:55 ng gabi habang inieskortan nina  SPO1 Grant  Chaluyen at PO3 Felix Parafina ang suspek na si Hilario “Larry” Herrera, 50, nang bigla umano nitong agawin ang baril na isang cal. 9 MM pistol sa kaniyang police escort saka bigla umanong nagbaril sa sentido.

Agad na dinala sa PNP General Hospital ang suspect, subalit idineklara itong dead-on -arrival.

Magugunita na ang suspek ay nasakote  ng mga operatiba ng PNP-AKG at ng lokal na pulisya habang nagtatago sa Palawan kamakalawa kung saan agad itong inilipad sa Metro Manila at dinala sa Camp Crame.

Ang suspek ay sangkot sa pagkidnap sa 8-anyos na biktimang itinago sa pangalang Lenlen, ele­mentary pupil sa Jaen, Nueva Ecija noong Hulyo 19 na ginahasa, pinaslang sa sakal saka itinapon ang bangkay sa isang kanal sa nasabing bayan noong Lunes ng hapon.

Sa imbestigasyon na ang suspek na tubong Pa­lawan ay nag karpintero sa pamilya ng biktima at nang mabatid ng PNP-AKG  na nagmamadali itong umuwi sa lalawigan ay dito na sila nagsagawa ng operasyon.

Narekober naman ng mga otoridad sa crime scene ang bag at mga kagamitan ng bata at condom gayundin ang resibo nito na binili ng suspek sa isang drug store sa lungsod ng Cabanatuan na nakita pa sa CCTV.

Nabatid pa na ang suspek ay isang ex-convict na nakulong ng 14 taon sa Iwahig Penal Colony at nakalaya dahilan sa parole.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with