^

Police Metro

PRRC at FFCCCII lilikha ng kasaysayan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaghahandaan ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) E­xecutive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia ang inagurasyon ng Phase II ng Estero de Binondo Linear Park sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Fe­deration of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) bago matapos ang buwang ito sa Maynila.

Labis ang kagalakan ni Goitia nang makapulong sa unang pagkakataon ang mga nasabing opisyales na handang umayuda sa programa ng PRRC.

“Masayang-masaya ako dahil sa pagkakataong makatulong ko ang mga impresibong opisyales ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII). Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang ating pagsisikap sa mga programang rehabilitasyon at pagmamantine ng Estero de Binondo, na isang mahalagang daanang tubig ng Pasig River,” pahayag ni Goitia.

Matatandaang pinuri ng PRRC Executive Director ang FFCCCII tungkol sa walang tigil na pagsuporta ng FFCCCII tungo sa mabisang rehabilitasyon ng Pasig River System.

Bukod pa rito, suportado rin ng FFCCCII ang River Warriors program ng ahensiya para sa patuloy na pagpapataas ng kalidad ng tubig at linear park deve­lopment programs sa Estero de Binondo (Phase I area).

“Kung kaya bago matapos ang buwan, muling makakabalikat ng PRRC ang FFCCCII upang gumawa ng kasaysayan sa inagurasyon naman ng Phase II ng Estero de Binondo Linear Park,” diin ni Goitia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with