^

Police Metro

Papunta sa graduation ng anak... konsehal, misis patay sa ambush

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napalitan nang pag­luluksa ang masaya sanang pagdiriwang ng graduation matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek ang isang mag-asawa na papunta sa graduation ceremony ng anak naganap kahapon ng umaga sa bayan ng Teresa, lalawigan ng Rizal.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa St. Therese Hospital ang mag-asawang si John San Jose 49, konsehal ng bayan ng Teresa at misis na si  Ma. Teresa Torres 44, kapwa residente ng Sitio Uno, Barangay May Iba, Teresa, bunsod nang tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:47 ng umaga sa Sitio Uno Bridge sa Barangay May Iba, na may 100 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay ay kalalabas lamang ng mag-asawa at  sakay ng kanilang pulang Mitsubishi Montero conduction sticker NJ087 para magpunta sa graduation ng kanilang anak na si Jaydee Ansherina San Jose, 20, sa Rizal Technological University (RTU), nang harangin at paulanan ng bala ng mga suspek.

Kapwa napuruhan ang mag-asawa na may mga tama ng bala sa ulo at katawan habang hindi naman nasaktan ang kasamang anak ng mga ito.

Ayon kay P/Supt. Resty Damaso, Rizal Provincial Police Office deputy chief for operations, na nakatanggap sila ng text message mula sa isang concerned citizen hinggil sa insidente at sinabi umano ng mga ito na tatlong lalaking magkakaangkas sa motorsiklo ang may kagagawan ng krimen na tumakas patungo sa bahagi ng Sitio Abuyod sa Barangay Dalig, Teresa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with