^

Para Malibang

Underwater Pyramid

MRYOSO - Pang-masa

Marami ang nag-uugnay sa mga pyramid na natatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa mga alien at extra-terrestrial dahil nga sa “makabagong” teknolohiya sa pagbuo nito. Ilang libong taon na ang nakararaan ang sinasabing edad ng mga ito kaya naman takang-taka ang mga siyentipiko sa kasalukuyan kung paano ito nagawa.

Sa Japan, may underwater pyramid na pinaniniwalaang lumubog dahil sa lindol. May 90 talampakang taas at 600 talampakan ang lawak, matatagpuan ito sa timog na bahagi ng Japan sa lalim na 25 meters below sea level. May limang hiwa-hiwalay na level ito. Ayon din sa mga environmental investigators, may daan daw paikot sa nasabing gusali.

May mga markings at larawan umano sa nasabing structure na mukha raw man-made. Pinag-aralan din ng mga marine geologist ang nasabing lugar ng dalawang dekada at naistima nilang limang libong taon na mula nang ito’y ginawa at dalawang libong taon nang lumubog sa tubig dahil sa lindol.

May mga naniniwala at mayroon namang hindi sang-ayon na ganito na ka-advance ang teknolohiya ng mga Eastern culture 5,000 years ago. Hanggang ngayon ay pinagdedebatehan pa rin kung gawa ito ng tao o may tulong ng mga alien. Kayo na ang humusga.

vuukle comment

EXTRA-TERRESTRIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with