^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Scalawags’ sa NBI

Pilipino Star Ngayon

Kapag narinig ang salitang “scalawags” ang unang masasaisip ay mga pulis. Pero hindi lamang pala sa Philippine National Police (PNP) mayroong “scalawags” kundi pati na rin sa National Bureau of Investigation (NBI). Ang nakakatakot, nagsasanib ngayon ang “scalawags” ng NBI at PNP.

Kaya pala walang takot na binantaan noon ni Pres. Rodrigo Duterte ang NBI director na sisibakin ito sa puwesto kapag hindi inilabas ang mga kagawad ng bureau na sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa Korean businessman. Mariin namang sinabi ng NBI director na walang sangkot na kagawad ang tanggapan.

Pero sa pagdinig ng Senado ukol sa kaso ng pinatay na Korean businessman na si Jee Ick-joo, lumalabas na may mga kagawad nga ng NBI na sangkot sa krimen. Pinatotohanan ito ng “striker” ng NBI na si Jerry Omlang. Si Omlang ang sinasabing spotter ng grupo at nagsasagawa ng mga surveillance sa mga Koreano na kikidnapin. Siya rin ang bumubutas ng mga gulong ng sasakyan ng mga target na Koreano.

Noong Miyerkules, pormal nang sinampahan ng kaso ng Department of Justice ang tatlong NBI agents na umano’y sangkot sa pagkidnap at pagpatay kay Jee noong Oktubre 2016 sa Angeles City, Pampanga. Ang mga sinampahan ng kaso ay si NBI-NCR director Ricardo Diaz, Deputy for Investigation Service Jose Yap at si Task Force Against Illegal Drugs head Roel Bolivar. Kabilang din sila sa supplemental complaint na isinampa ng PNP-Anti-Kidnapping Group.

Nararapat namang bilisan ng Senado ang pag-iimbestiga sa kasong ito para lumabas na ang buong katotohanan. Hindi dapat maghintay ang asawa ng Koreano sa inaasam na hustisya. Sinabi noon ni President Duterte na ipadadala niya ang mga “ulo” ng killers sa Korea. Kasunod noon, humingi siya ng paumanhin sa buong South Korea. Humingi rin ng sorry si PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa sa asawa ng biktima.

May “scalawags” sa NBI at PNP, nararapat nang malipol ang mga ito. Huwag nang hayaang dumami pa.

vuukle comment

SCALAWAGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with