^

Police Metro

Ginang nanlaban sa holdap, tinodas

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 47-anyos na ginang nang barilin ito ng isang rider nang ayaw ibigay ang dalang bag kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Ang nasawi ay kinilalang si Catalina Aguas, kahera ng isang restoran sa Maynila,  at residente ng Copernico St., Brgy. San Isidro at may 8 anak.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw ay naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Copernico St., pauwi sa kanilang bahay nang makasalubong ang suspek na sakay ng motorsiklo na walang plaka nang biglang hablutin ang bag.

Ayaw ibigay ng biktima ang bag at naki­pag-agawan ito sa suspek na nairita kaya’t pinagbabaril ito at nang bumulagta ay kinuha ang bag at mabilis na tumakas.

Ayon sa mga kaanak na ilang beses na uma­nong nabibiktima nang pangho-holdap, ang biktima, subalit lagi itong nanlalaban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with