^

Police Metro

Life hatol sa Nigerian, Pinay na drug pusher

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatawan ng Manila Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang Nigerian at kasabwat nitong Pinay matapos mapatunayang nagbebenta ng shabu noong May 2, 2012 sa Leon Guinto St., Maynila.

Batay sa  9 pahinang desisyon ni Judge Emilio Rodolfo Y. Legaspi III ng Manila RTC Branch 13, napatunayang nagkasala sa kasong drug pushing o paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga akusadong sina James Williams, Nigerian at Pinay na si Joy Montecillo.

Bukod sa habambuhay na pagkakulong ay pinagmumulta rin ng tig-kalahating  milyong piso (P500,000) ang mga akusado.

Nagpalabas din ng kautusan ang hukom na ilipat si Montecillo sa Correctional Institute for Women habang si Williams naman ay pinabibiyahe na sa New Bilibid Prisons.

Batay sa record ng korte,  ang dalawa ay nadakip ng nasabing araw ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa aktong nagbebenta ng bawal na droga sa asset ng mga otoridad at nakumpiska sa kanila ang isang maliit na plastic na naglalaman ng three zero point zero four seven six (30.0476) na gramo ng shabu.

Ibinasura naman ng korte ang akusasyon ni Montecillo na walang naganap na buy bust operation ang PDEA dahil nakipagkita lamang siya kay Williams dahil ayon sa kanyang mister na isang Beninin (mula sa Republic of Benini, Africa) ay tutulungan siya na bumili ng plane ticket para sa kanya at kanyang anak, patungong Benin, Africa.

Subalit, higit na pinaniwalaan ng korte ang testimonya nina Jayson B. Correa, Jigger Juniller Jose Alfonso Morados at  Ma. Lourdes B. Acosta ng PDEA na nagdidetalye sa ikinasang buy-bust operation laban sa dalawang akusado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with