^

Police Metro

Suspek sa pagpatay sa nurse ng St. Luke’s sumuko

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sumuko kahapon sa Quezon City Police District ang suspek sa pagpatay sa nurse ng St. Luke’s Medical Center na si September Ann Paz noong Sabado.

Ang suspek ay kinilalang si Jeffrey Guarin, 22, jobless, residente ng Barangay Kristong Hari, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar, nakatira si Guarin sa boarding house ng biktima, kung saan niya ito natagpuang patay mula sa 19 saksak.

Bago ang krimen, nagkipag-inuman anya ang suspek at dahil sa sobrang kalasingan ay pinagnakawan ang tinutulayan ng nurse.

Pero nagising si Paz sa gitna ng panloloob, dahilan para pagsasaksakin siya ng suspek.

Naunang sumuko si Guarin sa mga opisyal ng barangay na siyang nagdala sa kanya sa pulisya.

Nagpositibo rin sa drug test ang suspek, na kasusuko lang kamakailan sa Oplan Tokhang.

Malaki rin ang ibidensyang magtutukoy sa suspek sa krimen dahil sa nakuhang duguan na dalawang short pants nito na siyang suot nang mangyari ang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with