^

Police Metro

Pulis at ex-Army kapwa patay

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang isang pulis at isang dating Army nang sila ay magbarilan matapos ang mainitang pagtatalo tungkol sa kampanya ng kapulisan sa illegal drugs kamakalawa sa harap ng Villa Concepcion Subd. Brgy. Ibingay, Masbate City, kamakalawa.

Ang nasawing pulis ay kinilalang si P/Insp. Benjie Calixto, 23, miyembro ng Intelligence section ng Masbate Provincial Public Safety Company at residente ng Brgy. Espinosa, Masbate City.

Habang ang nasawing dating sundalo ay kinila­lang si Cesar Punzalan Jr., 36, dating miyembro ng Philippine Army, nakatira sa  Brgy. Pinamarbuhan, Mobo, Masbate.

Batay sa ulat, bago nagkabarilan dakong alas-10:30 ng gabi ay may minamanmanan ang grupo ni Insp. Calixto na isang drug personality nang mapadaan sa lugar ang suspek na si Punzalan at isang hindi pa kilalang lalaki na lango sa alak.

Sinita ng mga pulis ang dalawa na ikinairita ni Punzalan hanggang sa nagpakilala ang biktima na siya ay isang pulis na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Hindi sukat akalain ni Insp. Calixto na armado ng submachine gun ang dating sundalo at agad siyang pinagbabaril.

Kahit na may tama ay nagawa pa ni Insp. Calixto na gumanti ng putok at binaril si Punzalan na tinamaan sa likod at maging ang kasama ng una na si PO1 Roy Balonzo ay pinagbabaril din ang suspek na ikinamatay nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with