^

Police Metro

Tserman tumba sa tandem

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin habang sakay ng kanyang sasakyan ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Edris Domato, chairman ng Barangay 188, Tala sa Caloocan City.

Batay sa ulat, pasado alas-7:00 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang isang Toyota Fortuner at binabagtas ang kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay Lagro nang biglang lumitaw ang dalawang gunmen na sakay ng motorsiklo at saka pinaulanan ng bala ng baril ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa leeg.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at ina­alam kung may CCTV sa lugar para sa pagkaka­kilanlan ng mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with