^

Police Metro

4 tiklo sa droga

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat katao ang nadakip sa droga sa magkahiwalay na lugar sa Marikina at loob ng Tagbilaran City Jail.

Sa Marikina, naaresto ang dalawang suspek na sina Marvin Fuentes, at Albert Cabales, kapwa nasa hustong gulang.

Unang naaresto si Fuentes dakong ala-1:25 ng hapon noong Hunyo 23 habang umiihi sa jogging lane sa Barangay Jesus dela Paz ng mga nagpapatrulyang pulis dahil sa paglabag sa city ordinance.

Nang atasan ilabas ang mga laman ng kanyang bulsa ay narekober ang dalawang paper wraps na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana.

Dakong alas-7:20 naman ng umaga kamakalawa nang maaresto ng mga otoridad si Cabales sa Camia St., sa Barangay Malanday dahil sa pagnanakaw at nang kapkapan ay nakumpiskahan ng isang pirasong plastic sachet ng shabu.

Nahuli naman ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) ang dalawang bilanggo na sina Walter Bolanio Malate, 26 at Rex Capangpangan Survilla, 37 sa isinagawang joint greyhound operation sa Tagbilaran City Jail, Cabawan District, Bohol na nakumpiskahan ng limang transparent plastic sachets ng shabu  na may bigat na 25 grams o may halagang P250,000   gayundin ang iba’t ibang drug paraphernalias.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with