^

Police Metro

Mag-ina pinatay, lover nagpakamatay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang mag-ina ng kanyang live in partner na nagbaril din sa sarili matapos dumating ang mga pulis para siya ay arestuhin naganap kamakalawa ng hapon sa kanilang bahay sa Brgy. San Gabriel, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Ang mag-inang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang sina Mary Ann Belen, nasa hustong gulang; anak nitong si Hyacinth Colia Belen, 14.

Ang suspek na namatay matapos magbaril sa sarili ay kinilalang si Julimar Gomez, kapwa residente sa 119 Navarro Compound, Brgy. San Gabriel ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang pulisya sa naganap na pamamaril sa loob ng bahay sa nasabing lugar.

Nang magresponde ang mga pulis ay nakatanggap sila ng ulat na nasa loob pa ang suspek kaya’t nang aktong papasukin ang bahay para arestuhin ang huli ay nakarinig sila ng dalawang putok ng baril.

Kaya umatras ang mga pulis at kanila munang sinilip ang loob ng bahay at nakita ang tatlong katao na duguang nakabulagta habang ang pang-apat ay  anak ng biktima na si Kisha Bellen, 5-7-anyos, special child na hindi sinaktan ng suspek.

Iniimbestigahan ng pulisya kung away sa pera ang ugat ng krimen dahil sa ang mag-asawa ay may negosyong pautangan o lending dahil sa mga nakuhang iba’t ibang ATM cards na maaaring pag-aari ng mga umuutang sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with