^

Police Metro

2 holdaper patay sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong holdaper ang napatay habang sugatan naman ang dalawa-katao kabilang ang isang pulis sa naganap na shootout kaugnay sa holdapan sa Susano Road, Barangay Nova Proper sa Novaliches, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 4, nakilala ang isa sa mga napatay na si Jovin Santos, 40, ng Amay 1, Tanza, Cavite.

Nakatakas naman ang ikatlong holdaper matapos sumakay ng motorsiklo tangay ang P620,000 cash.

Sugatan naman si PO1 Israel Martinez ng PCP-2, Novaliches Police Station, dahil sa tama ng bala sa kanang braso at leeg.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Domingo Pedroso, naganap ang insidente sa harap ng Cuevas Bakery bandang alas-10:40 ng umaga kung saan hinoldap ng tatlo ang katiwala ng Marco Gennis Supermarket na si Dominador Gorgonio Jr.

Nabatid na magdedeposito ng malaking halaga si Gorgonio sa banko sa Quirino Highway nang harangin at holdapin ng tatlong lulan ng motorsiklo.

Tiyempo namang nagpapatrulya sina PO1 Martinez, PO1 Julian Picart, at si PO1 Carlo Angelo Dellivious sakay ng mobile patrol nang mamataan ang komosyon kaya mabilis na rumesponde.

Dito na sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ang dalawa habang sugatan naman si PO1 Martinez na isinugod sa Chinese General Hospital habang ang dalawang holdaper ay dinala sa Pacific Global Gen. Hospital sa Mindanao Avenue pero kapwa idineklarang patay.

Isang bystander na nakilalang si Daryl Denava ang tinamaan din ng ligaw na bala sa kanang braso, ayon pa sa ulat.

Narekober naman ng pulis­ya ang dalawang cal. 45 pistol at backpack ng mga suspek na naglalaman ng metal plate, bonnet, wallet at callphone.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with