^

Police Metro

PUP student nag-upload ng sex video ng nobya, inaresto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga otoridad ang isang 19-anyos na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)  dahil sa reklamo ng 14-anyos na nobya nang i-upload nito ang kanilang sex video sa Facebook sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na nakakulong sa Manila Police District-Station 8 ay kinilalang si Joshua Templado, residente ng  Anonas St., Sta. Mesa, Maynila kaugnay sa inihaing reklamo ng biktimang dalagita na 3rd year high school student at residente ng Caloocan City.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya na pinilit umano siya ng suspek na sila ay magtalik noong Pebrero 5 dakong alas-12:00 ng hapon sa Sta. Mesa at hindi niya umano alam na inirerekord ito sa video.

Makalipas ang dalawang araw ay nag-away sila kaya’t nagpasiya na kalasan ang nobyo, suba­lit nagbanta ito na ia-upload sa Facebook ang kanilang ginawa.

Natuklasan ng biktima kamakalawa na tinotoo ng suspek ang banta dahil nakita niyang ipinasa sa FB private message sa isang kaibigang lalaki ang sex video nila.

Nagsumbong sa ina ang dalagita at inireklamo ang suspek ng rape at anti-voyeurism law in relation to RA 7610 (Child Abuse Law).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with