^

Police Metro

Patuloy ang tanggalan ng OFWs sa ME

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bunsod sa patuloy na pagbaba ng presyo ng la­ngis ay lumalala na ang krisis sa paggawa sa Saudi Arabia at ibang bansa sa Gitnang Silangan matapos na maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang inulat na nawalan na ng trabaho.

Nangangamba ang libu-libong OFWs sa Gitnang Silangan na apektado sa nagaganap na tanggalan ng mga manggagawa bukod pa sa nararanasan na pagbabawas ng kanilang suweldo at benepisyo mula sa mga oil companies.

Maliban sa Saudi, ma­ging ang mga kumpanya ng langis sa Kurdistan, Iraq ay nagtatanggalan ng mga manggagawa dahil sa pagbagsak ng presyo ng petrolyo.

Sa kabila nito, ayaw umanong magsiuwi ang mga OFWs dahil na rin sa pangamba na walang makuhang trabaho sa Pilipinas.

Sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na inihahanda na nila ang maaaring tulong na maibibigay para sa mga OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi at iba pang panig ng mundo dahil sa naturang krisis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with