^

Police Metro

Mag-asawa itinumba

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasok ng mga hindi pa kilalang salarin ang bahay ng isang mag-asawa na mahim­bing na natutulog at saka pinagbabaril na naganap kahapon ng madaling araw  sa Quezon City.

Ang mag-asawa na kapwa nasawi noon din ay kinilalang sina Roberto, 35, at misis nitong si Rosabel Cuyo, 30.

Batay sa ulat, bago nadiskubre ang bangkay ng mag-asawa dakong alas-7:00 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Manungdo Compound, Lansones St., Brgy. Payatas B, ay narinig ng mga kapitbahay ang sunud-sunod na putok ng baril dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Ayon kay Mary Jane Cabalido, kapitbahay ng biktima nang marinig niya ang mga putok ng baril ay sinilip niya ito sa bintana subalit wala siyang nakitang tao sa labas na gumagala dahilan para muling matulog.

Kinabukasan niya lang nalaman ang krimen dahil sa pagkakagulo ng kanyang mga  kapitbahay

Narekober ng mga miyembro ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang tatlong basyo ng kalibre 45 baril, isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, dalawang walang lamang plastic sachet, dalawang piraso ng water pipe (tooter) na may liquid re­sidue, piraso ng aluminum foil at dalawang piraso ng medicine droppers.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kaugna­yan sa droga ang motibo nang pagpatay sa mag-asawa dahil sa narekober na mga drug paraphernalias

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BATAY

LANSONES ST.

MANUNGDO COMPOUND

MARY JANE CABALIDO

PAYATAS B

QUEZON CITY

ROSABEL CUYO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with