^

Police Metro

Tserman inutas ng kagawad... binati ng ‘merry xmas’ bago binaril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pagluluksa ang sumalubong na Pasko sa pamil­ya ng isang barangay chairman matapos na batiin muna bago pagbabarilin ng kanyang kagawad kamakalawa sa Cabilawan, Barotac, Nuevo, Iloilo.

Namatay noon  din ang biktimang si Rufino Bilan, Chairman ng Brgy. Cabilawan dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang tumakas naman  ang suspek na tinukoy namang si Brgy. Kagawad Rolyn Trespesa.

Bago ang krimen ay  nag-text pa ang suspek sa biktima na iniimbitahan ito sa kaniyang tahanan.

Sa kabila ng abala sa paghahanda para sa kapaskuhan sa kanilang barangay at pamilya ay pinaunlakan naman ng biktima ang paanyaya ng suspek na agad nitong pinuntahan.

Pagkapasok ng biktima sa tarangkahan ng bahay ng suspek ay binati pa ito ng “Merry Christmas” at ilang saglit ay binunot ang baril at pinagbabaril ang una.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay.

vuukle comment

BAROTAC

BRGY

CABILAWAN

HABANG

ILOILO

KAGAWAD ROLYN TRESPESA

MATAPOS

MERRY CHRISTMAS

RUFINO BILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with