^

Police Metro

Malacañang binasbasan ang taas -pasahe sa MRT at LRT

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tataas ang pasahe sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit ang sasalubong sa taumbayan sa Enero 2015.

Ito ang inihayag ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., at ito umano ay may basbas ng Malacañang.

Anya, makailang beses nang hindi itinuloy ng gobyerno ang fare hike sa LRT at MRT, subalit sa tingin ng pamahalaan ay napapanahon na upang ipatupad ang taas-pasahe.

“Ayon po sa ating Pangulo sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) noong 2013, kinakailangan po na tapusin na itong subsidiya ng lahat ng Pilipino para sa mababang singil sa LRT/MRT. Sapagkat, kung tutuusin naman po, kahit ‘yung ating mga kababayan na nakatira sa mga lalawigan sa Visayas o Mindanao na hindi man lamang tumutuntong sa mga tren ng LRT o MRT, kasama po silang pumapasan doon sa malaking subsidiya na tinutustos para diyan,” paliwanag pa ni Sec. Coloma sa Radyo ng Bayan.

Aniya, mayroong government subsidy ang gobyerno sa bawat biyahe ng pasahero sa LRT na nagbabayad lamang ng P15 pero ang dapat na kabayaran nito ay P40.

“Kaya’t ang resulta po may subsidiya na 25 piso. Sa MRT naman, ang tunay na halaga ng bawat isang biyahe ay 60 pesos; 15 pesos ay binabayaran ng mga pasahero; 45 piso ay binabayaran ng pamahalaan. Kaya sa kahuli-hulihan po, bawat isang Pilipino ay nagbabayad ng bahagi nitong subsidiya kahit na nga po-katulad ‘nung ating nabanggit kanina-sila ay naninirahan sa Visayas o Mindanao at hindi naman po nila ginagamit nang tuwiran ang serbisyong ito,” dagdag pa ni Coloma.

Idinagdag pa ng PCOO chief, nakikita mismo ni Pa­ngulong Aquino na makatwiran lamang na itaas ang pasahe sa LRT at MRT upang maipatupad din nito ang kaayusan sa sistema ng operasyon nito.

Napapanahon na isagawa na po ang tama, at ‘yon po ‘yung pagpapalapit ng pamasahe doon sa sinisingil sa mga air-conditioned buses, at panahon na rin po para itigil ‘yung subsidiyang malaki sa bawat pasahero para naman po ‘yung halagang ‘yon ay mailaan sa mga mahahalagang pagli­lingkod na panlipunan na papakinabangan po ng milyon-milyong mga Pilipino,” giit pa ni Coloma.

vuukle comment

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

KAYA

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

MINDANAO

PILIPINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with