^

Police Metro

Nang-rape na Colonel idiniin ng 2 modelo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatotohanan ng dalawang modelo ng club ang isinampang rape sa NBI ng kanilang kasamang si Maureen, 29 laban kay P/Supt.Erwin Emelo, hepe ng Southern Police District Special Operation Unit (SPDSOU) noong Oktubre 23.

Kahapon ay lumutang sa NBI at humarap sa media si Maureen at dalawang kasama na itinago sa pangalang Kim, 20 at Kyla, 21, pawang modelo ng Miss Universal na matatagpuan sa Harrison St., Pasay City.

Ayon kina Kim at Kyla  na totoo ang naganap na pagsalakay at paghuli sa kanila ng mga tauhan ng SPD-DSOU sa pangunguna ni Supt.Emelo.

Anila, silang dala­wa ay nakaligtas sa isinalang sa inquest proceedings at nakalaya ng walang kaso dahil inihiwalay sila sa mga kakasuhan, bukod kay Maureen at isang kaibigan na si Aiko.

Nakita nila nang ipinatawag si Maureen at ayaw payagan na samahan ni Aiko nang papasukin sa opisina ni Col. Emelo.

Hinanakit din nila kung bakit habang sila ay nagbibihis ng damit, pawang naka-underwear ay pinipiktyuran sila ng mga ope­ratiba ng DSOU.

Ayon kina Maureen, Kim at Kyla na hindi sila mga guest relations officers (GROs) dahil hindi sila naite-table at hindi nailalabas ng kustomer kundi nagmomodelo lamang sa club.

Kaya umano sila naihiwalay sa mga kakasuhan dahil may work permit sila at tinu­lungan sila ng ibang operatiba ng SPD na kumakausap sa kanila.

vuukle comment

AIKO

AYON

EMELO

ERWIN EMELO

HARRISON ST.

KYLA

MAUREEN

MISS UNIVERSAL

PASAY CITY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with