^

Police Metro

Matapos mag-asawa ng iba... Nars tinodas, ex-BF na pulis nag-suicide

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril muna at napatay ng isang pulis ang dating nobya na isang balikba­yang nurse bago ito nagbaril sa sarili na naganap sa Tapaz, Capiz kamakailan.

Kinilala ang nasawing nurse na si Jovelyn Pio, 26-anyos na nagtamo ng tatlong tama ng cal. 9 MM pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na namatay din matapos magbaril sa sentido ay kinilalang si PO1 Jesus Farillon.

Sa ulat ni Inspector Leomindo Tayopon, hepe ng Tapaz Police, sila ay nakatanggap ng tawag sa telepono dakong alas-3:00 ng hapon at iniulat ang nasabing krimen na naganap sa Brgy. Taslan.

Sa pahayag ng mga kapitbahay ng biktima na apat na putok ng baril ang kanilang narinig mula sa bahay nito kaya’t tinungo nila ang bahay at laking gulat nila ng makita ang nakabulagtang duguang katawan nina Pio at PO1 Farillon.

Bago ang krimen ay pinuntahan ni PO1 Farillon ang bahay ng biktima at hiniling nito na mu­ling ibalik ang kanilang relasyon.

Subalit, tumanggi si Pio dahil sa nag-asawa na siya at buntis na sa panganay na anak na hindi umano matanggap ng pulis.

Sa galit ng pulis ay kinuha nito ang kanyang baril at tatlong beses na pinagbabaril ang  dating nobya.

Nang mapatay ang dating nobya ay nagpakamatay din ito nang barilin ang sentido.

Napag-alaman na walong taong naging magkasintahan sina Pio at PO1 Farillon at nang mag-abroad ito nagkaroon ng asawa at buntis sa panganay nilang anak.

Si Pio ay nagtratrabaho sa ibang bansa ay kauuwi lamang sa Pilipinas nitong Agosto 15, 2014.

vuukle comment

AGOSTO

BINARIL

FARILLON

INSPECTOR LEOMINDO TAYOPON

JESUS FARILLON

JOVELYN PIO

PIO

SI PIO

TAPAZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with