^

PM Sports

Clarkson nanguna sa panalo ng Lakers

Pang-masa

LOS ANGELES — Humataw si Filipino-Ame­rican reserve guard Jordan Clarkson ng 33 points pa­ra banderahan ang Los Angeles sa 99-86 paggu­po sa bisitang Indiana Pacers.

Winakasan ng Lakers, may injury ang tatlong start­ers, ang kanilang two-game losing skid ba­ga­ma’t nagtala ng 2-of-14 free throw shooting.

“We’re kind of banged up,” sabi ni Clarkson, naglista din ng 7 rebounds at 7 assists. “We didn’t have all our main guys and stuff. So I had to step up and I knew what I had to do tonight.”

Nag-ambag si Julius Randle ng 14 points para sa Los Angeles kasunod ang 13 at 10 markers nina Kyle Kuzma at Larry Nance Jr., ayon sa pagkaka­su­nod.

Binanderahan ni Victor Oladipo ang Indiana mu­­la sa kanyang 25 points, habang naglista si Do­mantas Sabonis ng 15 markers at 14 rebounds.

Sa Salt Lake City, kumamada si Tim Hardaway Jr. ng 31 points para ihatid ang New York Knicks sa 117-115 pagtakas laban sa Jazz.

Nagsalpak si Hardaway ng isang 3-pointer at kinumpleto ang four-point play kasunod ang isang dunk para ibigay sa New York ang 109-100 benta­he sa huling 3:21 minuto ng fourth quarter.

Naimintis naman ng Utah ang tatlong sunod ni­lang pagtatangka sa 3-point line.

Nagdagdag sina Kristaps Porzingis at Courtney Lee ng tig-18 points at ang 13 points sa third quarter ni Lee ang tumulong sa Knicks para makaba­ngon sa 10-point deficit at iwanan ang Jazz sa 85-78 papasok sa fourth quarter.

Sa Toronto, humugot si point guard Kyle Lowry ng siyam sa kanyang 24 points sa final canto at nag-ambag si DeMar DeRozan ng 21 markers pa­­ra sa 86-83 paglusot ng Raptors kontra sa San An­tonio Spurs.

Tinapos ng Toronto ang kanilang four-game lo­sing slump laban sa San Antonio.

Humakot si center Jonas Valanciunas ng 15 points at 11 rebounds para ibigay sa Raptors ang 17-3 record sa kanilang tahanan, ang second-best home record sa NBA sa likod ng 19-2 card ng Spurs, nakahugot kay LaMarcus Aldridge ng 17 points at 14 rebounds.

Sa Denver, umiskor si Devin Booker ng 30 points, habang nag-ambag si T.J. Warren ng 25 markers para tulungan ang Phoenix Suns sa 108-100 panalo laban sa Nuggets.

Nagdagdag sina Josh Jackson at Isaiah Canaan ng tig-16 points mula sa bench para sa Suns, tinapos ang seven-game losing skid sa Nuggets.

Ang mechanical issues ang nagpaantala sa ka­­nilang flight patungong Denver noong Enero 3 kung saan limang oras sila dumating bago ang ope­ning tip at sa huli ay nagwagi ang Nuggets, 134-111.

Naglista si Jamal Murray ng 30 sa kanyang pag­babalik sa lineup ng Nuggets at kumolekta si Ni­kola Jokic ng 14 points at17 rebounds.

Hindi naglaro si Murray noong Miyerkules sa la­ban nila ng Los Angeles Clippers dahil sa con­cus­sion symptoms at sinuri siya ng mga doktor at pinayagang maglaro sa pagsagupa sa Phoenix.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with