^

PM Sports

Alab haharap sa Indonesia

Pang-masa

MANILA, Philippines — Haharapin ng Tanduay-Alab Pilipinas ang Indonesia CLS Knights ngayon sa pagpapatuloy ng 2017-2018 ASEAN Basketball League sa GOR CLS Kertajaya Gym sa Surabaya, Indonesia.

Asam ng tropa ni Jimmy Alapag ang pang-limang panalo sa siyam na laro sa kanilang pagtatagpo sa alas-8 ng gabi.

Ang Indonesian Knights ay nabaon sa pang-walong puwesto sa 1-6 win-loss kartada.

Tinambakan ng Pinoy team ang Thailand Mono Vampire, 114-87 noong Linggo ngunit hindi pa sapat para umangat sa standing at nanatili pa rin sa pang-anim na puwesto sa 4-4 card.

Sabi ni head coach Jimmy Alapag, kailangan nilang ipanalo ang laban sa Indonesia CLS Knights para umangat sa pang-apat na puwesto at makalapit sa mga nangungunang Eastern Lions at Chong Son Kungfu.

Tiyak na pangungunahan na naman nina imports Justin Brownlee at Renato Balkman ang Pilipino team sa tulong nina Bobby Ray Parks Jr. Josh Urbiztondo, heritage import Lawrence Domingo at dating PBA stars Dondon Hontiveros at Rico Maierhofer.

Samantala, nagpasiklab na naman ang PBA 2017 top rookie pick at Fil-German na si Christian Standhardinger sa 99-79 panalo ng Hongkong Eastern Lions laban sa Formosa Dreamers noong isang gabi.

Pinangunahan ni Standhardinger ang Eastern Lions sa kanyang 25 puntos at 10 rebounds upang para kumapit sa liderato sa 8-1 record. (FC)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with