^

PM Sports

CSB Booters naipuwersa ang deciding Game 3

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naungusan ng College of St. Benilde ang Arellano University, 4-3 sa penalty noong Lunes ng gabi upang makahirit ng do-or-die game para sa NCAA Season 93 men’s football championship sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nais nang tapusin ang duwelo matapos makauna sa serye noong Game One (3-2), agad na umiskor ang Chiefs sa pamamagitan ni Cyril Sanquilos sa 7th minute. Nasa kalagitnaan na halos ng second half nang makasagot ang Bla-zers sa pamamagitan ng goal ni Major Dean Ebarle sa 61st minute para maitabla ang laro.

Kaparis noong Game One, hindi naging sapat ang 90-minutes para may tanghaling panalo sa laro kung kaya kinailangan muli ng karagdagang 30 minutes o extra time.

Pero kahit sa extra time ay bigo pa ring makaiskor ng go-ahead goal ang magkabilang panig kaya’t humantong ang laro sa penalty shootout.

Nagpatas pa ang laban sa iskor na 3-3 bago naipasok ng third-year winger na si Moiselle Alforque ang winning goal.

“Sobrang nakaka-nervous ‘yung penalty,” wika ni Alforque matapos magtabla ang serye sa 1-1. “Sadyang blessing lang talaga po na naka-bawi kami sa penalties.”

Idaraos ang do-or-die game ngayong 6:00 ng gabi sa parehas ding venue.

Sa unang laro, tagum-pay na naidipensa ng San Beda College Red Cubs ang juniors title matapos gapiin ang College of Saint Benilde-La Salle Greenhills, 6-4 sa penalty.

Tatlong beses na hu-mabol ang San Beda sa laro sa pamamagitan ni season MVP JR Suba na siya ring nagpaabot ng laro sa penalty shootout pagkaraan ng ikatlo niyang goal sa 118th minute ng extra time.

Ang goalkeeper namang si Jessie Semblante ang umiskor ng clincher para sa Red Cubs sa pe-nalty shootout kasunod ng paglimita niya sa LSGH sa isang goal lamang, 3-1 mula sa 3-3 standoff sa regulation.

“Hindi parin ako nawalan ng pag-asa,” ani Suba matapos makamit ng kanilang koponan ang ika-17 titulo sa liga “Sabi nga ni coach Aris Caslib, hangga’t hindi pinipito ng refe-ree ‘yung final whistle, wag kang susuko, may chance pa rin. Ayun nga, dumating ‘yung chance. Patience lang. Dumating ‘yung goal.”

Napili rin si Suba bilang Best Striker habang Best Goal Keeper naman si Semblante at Best Defender ang isa pang kakamping si Eldwin Escoro.

Nahirang naman si Red Cubs coach Jeff Cuayong bilang Coach of the Year habang ang iba pang individual awardees ay sina Raphael Santos ng LSGH bilang Best Midfielder, at University of Perpetual Help na nagtamo ng Fair Play Award. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with