Cansino lider sa UAAP MVP race
MANILA, Philippines — Matapos ang first round ng eliminations ay naingibabaw sa Most Valuable Player statistical race ng UAAP Season 80 juniors basketball ang University of Sto. Tomas standout na si CJ Cansino.
Nagtala ang 6-foot-2 na si Cansino ng 100.57 Statistical Points (SPs) na nagmula sa kanyang mga average na 27.6 points, 14.6 rebounds, 2.6 assists at 1.7 steals.
May 26 statistical points na kalamangan ang Tiger Cub swingman sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Kai Sotto ng Ateneo de Manila.
Hindi pa nakakatikim ng pagkatalo ang Blue Eaglets sa kanilang unang pitong laro.
Nagsalansan ang 7’1 Ateneo high school slotman ng 74.43 SPs buhat sa mga averages niyang 12.9 points, 12.7 rebounds at 4.9 blocks.
Kasunod ni Sotto ang mga kakamping sina SJ Belangel (69.00 SPs) at Dave Ildefonso (67.00 SPs).
Ang iba pang nasa sa Top 10 sa MVP race ay sina UE rookie Agem Miranda, L-Jay Gonzales at RJ Abarrientos ng FEU-Diliman at Jorem Sabandal ng Adamson. (FMLumba)
- Latest