^

PM Sports

Morales, Prado umarangkada

Pang-masa

MANILA, Philippines — Humagibis si Jan Paul Morales laban kay Ro-nald Oranza sa sprint finish habang nagdomina si Jermyn Prado para pangunahan ang Philippine National Cycling Championships for Road kahapon sa Subic at Bataan.

Nagsumite si Morales ng bilis na dalawang oras, 42 minuto at 55 segundo kagaya ng oras ni Oranza sa 137-km course na tinampukan ng pag-akyat sa Dambana ng Mga Bayani sa Mt. Samat sa Mariveles, Bataan.

Ang panalo ang nagbigay kay Morales ng prem-yong P50,000 mula sa nag-oorganisang Pru Life UK kasama ang isang all-expense paid trip sa Prudential Ride London sa Hulyo.

Kabuuang 96 riders ang sumabak sa men’s elite race ng PhilCycling.

Nagbulsa si Oranza ng P25,000 habang sina Felipe Marcelo at Jonel Carcueva ay tumanggap ng P15,000 at P12,500, ayon sa pagkakasunod, bilang third at fourth-placers.

Nauna nang nasangkot sina Marcelo at Carcueva sa isang race incident malapit sa Subic Bay Exhibition and Convention Center finish sa isa sa mga karerang itinampok sa PRUride PH 2018.

Nakakuha din ng ti-ket patungong London at premyong P50,000 sina Prado at Men Under 23 winner Ismael Gorospe.

Tiyempong 3:26:00 ang itinala ni Prado para kunin ang gold medal sa 96.55-km women elite race at ungusan ng dalawang minuto si Chinese Taipei bet Chang Ting Ting at higit sa limang minuto si Arianne Dormitorio.

Sumemplang si Dormitorio, ang two-time Asean mountain bike champion, dahil sa malakas na hangin sa loob ng Subic.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with