^

PM Sports

Ma-sustain kaya ng Alaska?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Walang pagbabago sa style of play ang Alaska Milk Aces – todo ang pressure defense at atake agad sa opensa.

Pinanghawakan ni coach Alex Compton ang istilo na iyon lalo na at nakabalik na mula sa injury ang marami niyang players kasama na si Vic Manuel at Jvee Casio.

Kaya lang mananatili ba silang healthy sa pag-lalaro ng ganoong style sa buong season?

Malakas ang kanilang umpisa pero hindi na-sustain ang effort sa kanilang 95-108 talo kontra sa Magnolia Hotshots noong nakaraang gabi sa San Juan Arena.

Nagbabagang pagbabalik mula sa injury ang ipinakita ni Paul Lee upang pangunahan ang kanilang panalo.

“Feeling ko parang nag-uumpisa pa lang uli ako sa PBA. Fresh na fresh. Salamat sa mga tumulong sa akin,” ani Lee, bagong balik mula sa isang medical procedure na ginawa sa kanyang tuhod.

Tumikada ng 6-of-8 three-pointers at nagtala ng 30 kabuuang puntos sa kanyang ratsada kontra kina Calvin Abueva at kanyang mga teammates.

“Feeling ko kaka-graduate ko lang sa college. Bumalik ‘yung dati kong groove,” ani Lee.

Kaya naman lusot ang Magnolia Hotshots kahit na nasa injured list pa sina Marc Pingris, Rafi Reavis at Jio Jalalon.

Dismayado si Compton dahil hindi raw nila naipakita ang mga bagay na ginawa nila sa kanilang preseason buildup at warm-up games.

“What’s crazy is we were really good in practice for two weeks, then I don’t if it’s the first game gigil,” ani Compton.

DATOS: Four-game sweep ang itinala ng Batch 83 sa first round ng Cong. Eric Martinez Cup ng Bagbaguin Elite Seniors Monday Club sa Valenzuela. Tabla sa segunda ang Zub Zero/Macaya Drugs (2-2) at RNBF (2-2) at tabla sa pang-apat ang CKV All-Stars (1-3) at St. Joseph (1-3).

Patuloy na rumatsada para sa Batch 83 sina Kandong “Ed Ducut” Pabaya, Vermon Indiongco, Edgar Atanante, Jojit Banzal at Toto Francisco. May ambag din sina Ome Beltran, Oseg dela Cruz, Odie Chua, Butch Darnayla at Ariel Francisco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with